Haha! Hindi ko inakala na hanggang dito sa APFTI ay mabibitbit ko ang pinakamamahal kong Icebag! (Mabuhay ka Ma’am Lallie!) Isa nga ito sa mga tunay na humasa sa aking kakayanan sa sulating pan-teatro. (at humasa sa akin sa puyatan! Haha)
Ang Icebag ay isang serye ng dulang kumakatawan sa buhay at kulay ng Peyups Los Baños. Taglay ng bawat monologue ang damdamin, takot, tuwa, kaba, depresyon, obsesyon, at lungkot na nararanasan ng bawat estudyante ng unibersidad. Sa ngayon, nakaabot na kami sa ikapito.(humanda kayo pag dating ng Icebag8)
Dito sa APFTI, kami ni Mafe ay naatasan ngayon na gumawa ng mga monologues na tumatalakay sa buhay ng mga manggagawa at mamimili. Isa itong pagpapatuloy sa ginagawang kampanya ng organisasyon para sa Fair trade. Ang gagawing presentasyon ay para sa magaganap na World Fair Trade day. Ipinagdiriwang dito ang malawakang pagtataguyod ng fair trade sa bansa at maging sa buong mundo.
Ngayon ay pinaghahandaan namin ang pagko-konsepto at pagsulat ng Fair trade Monologues (Sorry Eve Ensler!)
Kaya naman ngayon pa lang ay nag-iisip na kami dito ni Mafe ng premise. Hindi lang yun. Pati goal ng characters at ang kanyang motivation. Iniisip na din naming ang mga twists na mangyayari. Sinong artista? Kami! Haha joke lang!
SALAmat sa ENG105 ni Ma’am Bucoy! Magagamit na namin to ngayon sa real world.
-leslie
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment