Thursday, April 26, 2007

write...write...and write...

maghapong nakikipagtitigan sa hindi pumipikit ni nagpapakita ng antok na monitor ng computer...

maghapong inilalapat ang mga bigat ng dulo ng bawat daliri sa mga mumunting parisukat na pindutan ng keyboard...

maghapong tinititigan ang hindi mabilang na mga letrang bunga ng bawat pagtipa ng mga mabibigat na dulo ng daliri sa bawat mumunting parisukat na pindutan ng keyboard...

maghapong naghihintay sa anyaya ng pinto ng cr nang sa wakas ay magkaroon ng pagitan ang nag-iinit na pang-upo na matagal-tagal ring nalalapat sa hindi makapagreklamong upuan...

maghapong natututo, naiiyak, natatawa, nagkakainspirasyon sa mga kwento ng bawat may-ari ng maliliit na negosyong ginagabayan ng APFTI...

maghapong pagsusulat. maghapong pag-aaral. maghapong riyalisasyon ng mga kwento ng mga taong hindi ko kilala pero unti-unting nagiging parte ng aking buhay.

- Mafe (click here to visit my blog)

No comments: