Monday, April 23, 2007

Timmi, sana ipinasok mo ako sa bag mo!

Bakit hindi marunong tumanggi sa galaan itong si Timyaw na kaibigan ko mula UPLB! Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng nagaganap ng practicum niya sa X10 events ay nakuha pa niyang magkunwaring babysitter ng kanyang pamangkin at lumipad papuntang Aklan! Nakakainis! Ang tamad mo talaga gurl! (hehe) Nakakainis dahil hindi naman iyan ang itinuro sa atin ng ating mga guro. Nagtitiwala sila sa atin pagkat tayo ay mga Iskolar ng Bayan!

angst. angst at angst pa! (wahaha)

Ang totoo niyan, naiinggit lang ako! (wah! peace Timyaw!) Kasi ngayon na ang pagsisimula ng Aklan Fiber Fest!

Karamihan ng mga tao dito sa opisina ng APFTI ay marahil abala dahil sa pagdiriwang na iyon. Kaya naman, naiwan ang iilan dito kabilang na kami ni Mafe! Kasama na din namin ang mga natitira pang obligasyon para sa practicum na ito! Masaya dahil kasama namin si Sir Mervin! (haha! dugong elbi!) Sa lahat ng aming ginagawa, pinaghuhusay naming talaga!

Nawa ay maging matagumpay ang pagdiriwang sa Aklan! Mas masaya kung kasama kami dyan! (haha!)

Pasalubong po! (charing!)

Timmi! Dapat ipinasok mo na lang ako sa bag mo!

No comments: